Ang gini-GF at ang kina-kama
Ang babaeng gini-girlfriend at ang babaeng pang-kama...
Title pa lang, alam ko na agad kung saan ika-categorized ung sarili ko. Tinatanong pa ba yun? Hindi na siguro. Pero sa mga hindi masyadong nakakilala sakin, okay, cge.. sasabihin ko.
Ako ung babaeng pang kama. Hindi naman na siguro nakakagulat un. Kahit.nga mga kabigan ko,ganun na rin tingin sakin. Pero baka mapatanong ka kung bakit o paano ako naging babaeng pang kama. Eto sagot...
Sa mga past relsps ko, ung mga nagiging boyfriend ko or kahit ung mga kamuntikan lang (assuming kc ako), laging keme ang gusto. Pag di napagbigyan, aun... magtatampo. At dahil mahal ko sila at mahalaga sila sakin, wala na lang akong paki. Gora na. Sige lang. Kasi ang mind set ko na, eh, baka pag binigay ko kung anong gusto nila, baka mahalin na rin nila ko at malay mo, imbes na sa babaeng pangkama ang turing sakin, maging babaeng ginigirlfriend na. Hindi ako nawalan ng pagasa.
Pero simula nung nalaman ko ang tingin sakin ng mga lalaki (physical.aspect), nagiba na rin tingin ko sa sarili ko. Ikaw ba naman sabihan ng....
-panget
-ulikba
-malaki mata
-pandak
-hipon
Cge nga, pag nasabihan ka ng gnyan, maiisip mo pa bang magiging babaeng ginigirlfriend ka? Palagay ko hindi. Nung una, oo. Masakit. Masakit kc totoo. Pero kung iisipin ko tlga, totoo lang naman ung cnasabi nia. Wala namang mali. Haaay...
Anyway, pano nga ba ko napunta sa realization na, ako ung babaeng pang kama at hindi ginigirlfriend. Hmm... ah, naalala ko na. Un ung time na may kachat ako na nireto ng sabihan na nating kaibigan. Una parang okay, parang may future. At ang tanga ko kasi parang lang pala. Mabuti na lang hindi ako nag give in. Teh, un pa lang na 3 beses pa lang kami nagdate, keme agad ang gusto or friends with benefits lang.
Haay, bakit ba ganun? Ano bang dapat kong gawin para maging babaeng ginigirlfriend naman ako? Kailangan ko bang maging maputi, matangkad, chinita or lahat ng kabaliktaran ko? Kailangan bang mging gnun ako para ako na lang ung babaeng minamahal? Haay...
Di na siguro mababago un. Bahala na,,,