Ngayon ko narealize na wala palang taong kaya akong tiiisin. Kahit pamilya ko, di ako kayang tiisin.
Wala ung taong kayang sabihing, para sayo ako gumigising Marielle.
Ung pakiramdam na kahit mawala ka sa mundo, ayos lang. Baka nga mas maging okay pa sila kahit wala ka. Di ka naman nila hahanapin e. Baka nga ikatuwa pa nila.
Tipong, nagtatrabaho ka lang para sa sarili mo. Para mabayaran ung mga bills mo. Para mabuhay ka. Pero anong sense? Wala.
Tulad ni mama, nabubuhay at bumabangon lang sya para sa mga kapatid ko at kay papa. Ni mabati ako nung birthday ko wala, nang dahil sa 20php. Pag kaya naman, why not e, di ba? Kaso wala e. Nganga. Pakiramdam ko pinabayaan akong magisa.
Magisa? Oo, lagi naman akong magisa. May mga kaibigan din naman ako.
Tulad ng boyfriend ko, bumabangon lang sya para rin sa pamilya nya at motor nya. Tipong kahit maghiwalay kamo, ayos lang. Mas magiging masaya pa sya.
Napapatanong na lang nga ako e, anong purpose ko dito sa mundo? Para magawa ko na. Para matapos na.
Mas magiging masaya naman lahat ng taong mahal ko kahit wala ako. Tipong, walang iiyak kahit mamatay ako.
Babangon at babangon pa rin sila sa mga tao at bagay na dahilan kung bakit sila bumabangon.
Mamatay na lang kaya ako?
Tulad ngayon, halos isang oras nakong naghihintay. Nakakatawa, may look out pa kung andito pa ko.
Wala e, wala naman akong magagawa kundi magintay. Kung may mapapala ako o wala, wala na kong magagawa.
Mukang uulan pa. Please, wag ka munang bumagsak. Tulad ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumuha.
Bakit kaya walang taong kayang maging ako ung dahilan ng pagbangon nila?
Haynaku! Bat ba nagtatanong pa ako? E alam ko namang ako ung dahilan. Ako ung may kasalanan. Ako ung may pagkakamali.
Bakit ba kasi ganito ako? Bakit? Tina-try ko naman lahat, pero siguro kulang pa rin. O kaya, hindi un ung hinahanap nila.
Ang dami kong pagkukulang. Ang dami kong kasalanan. Bakit hindi pa ako kunin?
Wala naman akong napapasaya. Wala namang taong kayang mahalin ako.
Pakiramdam ko ubos na ubos na ko. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Pakiramdam ko, patay na ko.
Bat di na lang totohanin di ba? Nabubuhay ako ng walang sense. Ni hindi ko alam kung bakit pa ko nabubuhay? Wala namang may gusto sakin.
Balik tayo sa pamilya ko, si mama, masaya na sya sa bago nyang pamilya. Parang di na nga nya ako kilala e. Parang wala na syang kilalang ako. Kahit ung cover photo nya sa facebook, ung bagong pamilya nya lang. Wala ako.
Sino pang kakapitan ko kundi sarili ko? E pano kung ayaw ko na? Pano kung tapusin ko na?
No comments:
Post a Comment